Lokal to Global: Istorya ng Tagumpay ng mga Cacao Farmers sa Davao

Lokal to Global: Istorya ng Tagumpay ng mga Cacao Farmers sa Davao

DAVAO CITY, DAVAO —“Compared to before, life was really difficult. Even buying basic necessities was a struggle because we did not have a stable income.” Ganito inilarawan ni Policarpo Enricoso, chairman ng Saloy Organic Farmers Association (SOFA), ang dating kalagayan ng pagsasaka sa Barangay Saloy, Calinan, Davao City.

 

Naalala niya ang mga panahong nahihirapan ang kanilang pamilya na matugunan maging ang mga pangunahing pangangailangan dahil wala silang regular na pinagkukunan ng kita.

Pangunahing pinagkakakitaan ng komunidad noon ang pagtatanim ng mais at saging. Ngunit dahil mababa ang presyo ng mga ito sa pamilihan, kakaunti lamang ang kinikita ng mga magsasaka sa kabila ng ilang buwang pagsisikap. Malawak din ang lupang natatakpan ng cogon at nananatiling hindi gaanong napapakinabangan, kaya limitado ang pagkakataon ng mga magsasaka na maiangat ang kanilang kabuhayan.
Ngayon, malaki na ang ipinagbago ng kanilang kalagayan.

Sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng Enhanced National Greening Program (eNGP), ang bahagi ng dating hindi napapakinabangang lupain ay ginawa ng mga magsasaka sa Barangay Saloy na isang masaganang agroforestry plantation na nakasentro sa kakaw. Nakatulong ang pagtaas ng presyo ng kakaw, sertipikasyon sa organikong pagsasaka, at matatag na ugnayan sa pribadong sektor upang mapalago ang kita at makalikha ng mga bagong oportunidad sa trabaho para sa komunidad.

“When we started growing cacao, and fortunately, cacao prices in the market were high, our income tripled. Now, our earnings can reach more than ₱200,000 a year,” ani Chairman Enricoso.

Tinutulungan ng DENR ang mga magsasaka sa Barangay Saloy na palawakin ang produksyon ng kakaw at maibalik ang malagong kagubatan sa pamamagitan ng 72-ektaryang agroforestry plantation na itinatag sa ilalim ng eNGP.

Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel “Mitch” T. Cuna, ipinapakita ng proyekto kung paano maaaring magsabay ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga komunidad sa pamamagitan ng greening program ng pamahalaan.

“SOFA has become a compelling example of how forest restoration, government support, farmers’ hard work and private-sector partnership can grow into a sustainable enterprise. This is aligned with the directive of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to make sure that our environmental programs work not only for environmental protection but also for Filipino communities,” ani Secretary Cuna.

Sa pambansang paglulunsad ng pagtatanim ng kawayan at mga puno noong 2022, sinabi ng Pangulo na makatutulong ang National Greening Program (NGP) sa pagpapanumbalik ng kagubatan habang lumilikha ng mga trabaho, oportunidad, at kabuhayan para sa ating mga kababayan. Binigyang-diin din niya na dapat makatulong ang mga inisyatibang pambansa sa pangangalaga ng kalikasan upang matiyak ang ligtas na planeta para sa mga susunod na henerasyon.

*Mula sa Lupang Napabayaan nagkaroon ng Produktibong Agroforestry*
Nagsimula ang pagbabago noong 2018, nang suportahan ng DENR ang pagpapaunlad ng isang 100-ektaryang eNGP site sa Barangay Saloy. Ilang magsasaka mula sa komunidad ang naging benepisyaryo at nagtanim ng kakaw at iba pang pananim sa lugar, na nagbigay-buhay sa dating hindi produktibong lupain.

Kalaunan, itinatag ng mga magsasaka ang SOFA noong 2019 at sinimulang palakasin ang kanilang pagsasaka ng kakaw, kabilang ang pakikipagtulungan sa Auro Chocolate Inc., isang pribadong kompanya na nagpakilala sa komunidad sa mga pamamaraan ng produksyon ng kakaw at organic farming.

Ang Auro Chocolate, Inc. ay nagsilbing ugnayan sa pagitan ng merkado at ng organiko at kumbensional na kakaw ng SOFA. Lingguhang bumibili nang direkta ang kumpanya ng basang buto ng kakaw mula sa SOFA, na kung saan pinaghihiwalay ang organiko mula sa kumbensyonal na buto upang mapangalagaan ang kalidad ng mga ito.

Sa kabuuang taniman ng kakaw ng SOFA, 19.21 ektarya ang 100 porsyento ang certified organic, habang ang natitirang 1.79 ektarya ay sumasailalim pa sa proseso ng sertipikasyon.

Hindi gumagamit ang mga magsasaka ng sintetikong pataba, insecticide, fungicide, o herbicide. Nakatutulong ito upang makapagprodyus sila ng de-kalidad na kakaw sa mas mababang gastos sa produksyon habang napangangalagaan ang kalikasan.

“We really take care of our cacao. Our cacao is good quality, with no imperfections and with big seeds,” saad ni SOFA president Policarpo Enricoso.

Noong 2023, kinilala ang kakaw ng SOFA sa Philippine Cacao Quality Awards at naging opisyal na kinatawan ng bansa sa pandaigdigang Cacao of Excellence competition. Noong Pebrero 8, 2024, tumanggap ng 2023 Cacao of Excellence Silver Award ang mga buto ng kakaw mula sa Barangay Saloy na kinatawan ng SOFA.

Napabilang ang mga ito sa 50 kinilalang sample ng kakaw sa buong mundo sa commercial category. Ang pagkilalang ito ay nagbukas ng mga bagong oportunidad para sa mga magsasaka, kabilang ang pagdami ng mga mamimili at pagpapatibay ng pamilihan para sa kanilang kakaw.

*Pinalalawak na mga Benepisyo*
Dahil sa mahusay na pangangalaga at proteksiyon ng mga magsasaka sa 100-ektaryang site, ginawaran sila ng DENR ng karagdagang 72-ektaryang eNGP site noong 2024. Nakabatay ang proyekto sa mahusay na pamamahala ng mga magsasaka sa naunang eNGP site at sa pagpapaunlad ng kakaw bilang pinagkakakitaan.

Sa pamamagitan ng 2024 eNGP, natulungan ng DENR ang SOFA na palawakin ang produksyon nito habang pinatitibay ang tungkulin ng komunidad sa pangangalaga at proteksiyon ng kalikasan.

Naglaan ang DENR ng ₱2,690,818 bilang tulong sa SOFA para sa produksyon ng mga punla, site preparation, pagtatatag ng taniman, at pangangalaga at proteksiyon nito. Itinataguyod nito ang isang kalupaan kung saan iniuugnay ang kakaw at iba pang pananim sa pagpapanumbalik ng kagubatan.

Ngayong nasa ikatlong taon na ng pagpapatupad nito, ang 72-ektaryang plantation ay binubuo ng 21 ektarya ng kakaw, 22 ektarya ng troso, 13 ektarya ng mga fruit trees, at 16 ektarya ng kawayan.

Bilang insentibo sa patuloy na pangangasiwa at pag-aalaga ng SOFA sa plantasyon, ipinagkaloob din sa asosasyon ang karapatang mag-ani, alinsunod sa kasunduan sa proyekto.

Naglaan ang DENR ng ₱2,690,818 bilang tulong sa SOFA para sa produksyon ng mga punla, site preparation, pagtatatag ng taniman, at pangangalaga at proteksiyon nito. Itinataguyod nito ang isang kalupaan kung saan iniuugnay ang kakaw at iba pang pananim sa pagpapanumbalik ng kagubatan.

Ngayong nasa ikatlong taon na ng pagpapatupad nito, ang 72-ektaryang plantation ay binubuo ng 21 ektarya ng kakaw, 22 ektarya ng troso, 13 ektarya ng mga fruit trees, at 16 ektarya ng kawayan. Bilang insentibo sa patuloy na pangangasiwa at pag-aalaga ng SOFA sa plantasyon, ipinagkaloob din sa asosasyon ang karapatang mag-ani, alinsunod sa kasunduan sa proyektPara sa mga magsasaka ng SOFA, higit pa sa mga punla at teknikal na tulong ang naibigay ng pamahalaan. Nabigyan sila nito ng pagkakataong mapabuti ang kanilang mga taniman, mapatatag ang kanilang negosyo, at kumita habang inaalagaan ang lupain.

Lalong naging kapansin-pansin ang mga benepisyo nang tumaas ang presyo ng kakaw. Noong 2025, umabot sa ₱300 hanggang ₱400 kada kilo ang presyo ng pinatuyong buto ng kakaw, na nakatulong sa 25 hanggang 30 porsiyentong pagtaas ng kita. Samantala, ang certified organic cacao ay nakatatanggap ng karagdagang 10 hanggang 15 porsiyento mula sa umiiral na presyo sa pamilihan, alinsunod sa kasunduan sa pagmemerkado ng SOFA at Auro Chocolate Inc.

Ang trabaho ng 15 regular na miyembro ng SOFA ay lumilikha rin ng mga oportunidad sa labas ng asosasyon. Kabilang sa mga gawaing nangangailangan ng mga manggagawa at miyembro ng pamilya ang pagpuputol ng mga sanga, pagtanggal ng damo, pagsubaybay sa mga peste, pagbabalot ng mga bunga, pag-aani, pagpapatuyo, at pagbebenta. Ang mahigpit na pamantayan sa kalidad ng organikong kakaw ay higit pang nagpapataas sa pangangailangan sa mga manggagawa.

Para sa DENR, ipinapakita ng SOFA kung ano ang maaaring makamit kapag pinagsama ang mga programang pangkalikasan, pagtutulungan ng komunidad, at oportunidad sa pamilihan.

Ayon kay Secretary Cuna, ang asosasyon ay naging isang matatag na People’s Organization na maaaring magsilbing modelo para sa iba pang mga komunidad sa Davao City at sa buong Davao Region, partikular sa produksyon at marketing ng kakaw.

“The support we receive from the DENR has been a tremendous help to us. The DENR continues to monitor and assist us and provide guidance to the farmers. For me, this is a big advantage. We have an agency that closely monitors our progress and remains committed to helping improve the livelihood of farmers,” ani Chairman Enricoso.

Ang susunod na hakbang ay ang pagpapatuloy ng mga nakamit na ng SOFA.

Tinitingnan ng DENR ang pagtatatag ng maliit na water impounding system upang mapahusay ang pag-iimbak ng tubig para sa plantation, gayundin ang pagpapatibay ng mga pakikipagtulungan para sa pagpoproseso ng tsokolate, teknikal na tulong, pagpapalakas ng kakayahan, at pagpapaunlad ng pamilihan Sinusuri rin ang mga oportunidad para sa agri-tourism.

Tutulungan naman ng DENR ang SOFA sa pagpapadali ng proseso para sa 25-taong Community-Based Forest Management Agreement at Sustainable Forest Land Management Agreement nito.

Ipinapakita ng kuwento ng Saloy kung ano ang maaaring mangyari kapag nabibigyan ng pagkakataong magtagumpay ang mga magsasaka: nakatutulong ang suporta ng pamahalaan upang makapagpatayo ang mga komunidad ng produktibo at sustainable enterprises, dinadala ng mga magsasaka ang kanilang pagsisikap at dedikasyon, at binubuksan ng mga private partners ang pinto sa mas malalaking pamilihan.

Mula sa mga kakaw na itinanim sa kabundukan ng Davao hanggang sa pagkilala sa pandaigdigang merkado, pinatutunayan ng mga magsasaka ng Saloy na kapag inaalagaan ng mga komunidad ang lupain at gumagawa ng de-kalidad na produkto, maaaring maging pamilihan nila ang buong mundo.

Reference: Mersha DENR

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *