Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang kabataan mula Greenhills patungo sa EDSA Shrine ngayong araw bilang panawagan laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa.
Kabilang sa mga nagmartsa ang mga miyembro ng Gen Z na nanawagan ng mas malinaw na pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan at mga repormang magpapalakas sa transparency sa pamahalaan.
Bitbit ng mga demonstrador ang mga plakard at streamer na naglalaman ng kanilang mga panawagan, habang isinusulong din ang mas aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga usaping pambansa.
Samantala, nakaantabay ang mga awtoridad upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa mga rutang dinaraanan ng mga nagmamartsa.

