Inilabas ng Makati Regional Trial Court Branch 235 ang warrant of arrest laban kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.
Ayon sa National Bureau of Investigation, may petsang Oktubre 5, 2026 ang warrant na pirmado ni Presiding Judge Ricardo A. Moldez II.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y “knowing and willful failure or omission” sa pagtupad sa mga obligasyon sa ilalim ng Section 25 ng Public Service Act.
Itinakda naman ng korte sa ₱72,000 ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng kongresista.
Ayon sa NBI, bumiyahe palabas ng bansa si Leviste noong Agosto 2 patungong Hong Kong at iniulat na nagtungo sa France kasama ang kaniyang ina na si Senador Loren Legarda.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang susunod na hakbang kaugnay ng warrant.
Reference: NBI MEDIA

