๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐Ž๐ง๐ก๐š๐ง

๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐Ž๐ง๐ก๐š๐ง

Nagsagawa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Publikong Konsultasyon para sa Ortograpiya ng Onhan noong 29 Setyembre 2026 sa San Andres Covered Court, San Andres, Romblon.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga mananaliksik ng KWF na sina Dr. Jose Evie G. Duclay, Rolien Mark M. Balisi, at Christian DS. Nayles. Katuwang din sa proyektong ito ang DepEd-Romblon, sa pangugnugna ni Dr. Jordan Solatorio, Indigenous Peoples Education (IPEd) focal ng DepEd-Romblon.

Lumahok sa konsultasyon ang mga elder, kapitan ng barangay, at kagawad mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng munisipalidad ng Ferriol, San Andres, Looc, Santa Fe, San Jose, Alcantara, at Santa Maria. Dumalo rin ang mga punong-guro at mga pinunรฒ mula sa ibaโ€™t ibang paaralan at ang Regional IPEd focal ng Rehiyon IV-B MIMAROPA.

Sa gawaing ito, inilahad ng mga punong-guro at pinunรฒ ng paaralan ang bawat kabanata ng borador upang makuha ang mga komento at mungkahi ng mga kalahok at masinop ang borador ng nabuong ortograpiya.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika ng Pilipinas.

Tagapagpadala Press Release

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *