Apatnapuβt tatlong (43) ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan ang tatanggap ng prestihiyosong Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa gaganaping parangal sa 23 Nobyembre 2026 sa Metropolitan Theater, Maynila.
Ipinagkakaloob ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang parangal na ito bilang pagkilala sa mga huwaran sa pagtupad at pagtataguyod ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Executive Order No. 335). Inaatasan ng kautusang ito ang lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, at sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na liham, transaksiyon, at komunikasyon.
May apat na antas ang paggagawad ng parangal. Narito ang 43 tatanggap nito ngayong taon:
Antas 1: Leyte Normal University; Brgy. Pulong Sta. Cruz, Santa Rosa, Laguna; Pamahalaang Lungsod Cebu; Pamahalaang Lungsod ng Lungsod Quezon; Pamahalaang Lungsod Valenzuela; Pamahalaang Lungsod ng Pateros; Pamahalaang Bayan ng Pililla, Rizal; at Anti-Red Tape Authority; Central Bicol State University of Agriculture; Bukidnon State University; Brgy. Ususan, Lungsod Taguig; and Department of Agriculture-Agriculture and Fisheries Information Division.
Antas 2: Pangasinan State University; Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Isidro, Iriga, Camarines Sur; Brgy. Napindan, Lungsod Taguig; Pamahalaang Bayan ng Donsol, Sorsogon; Brgy. San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas; Pamahalaang Lungsod ng BiΓ±an, Laguna; DepEd SDO-Lungsod Quezon; Gat Andres Bonifacio Medical Center; Department of Labor and Employment-Bureau of Workers with Special Concerns; at DepEd SDO-Lungsod Ligao.
Antas 3: Brgy. Lower Bicutan, Lungsod Taguig; Brgy. Hagdan Bato Itaas, Lungsod Mandaluyong; Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong; Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan; DepEd SDO-Lalawigan ng Sorsogon; at DOH-Rizal Medical Center.
Antas 4: Pamahalaang Lungsod ng Pasay; Pamahalaang Bayan ng Sto. Tomas, Batangas; DepEd SDO-Albay; DepEd SDO-Lungsod Legazpi; DepEd SDO-Catanduanes; DepEd SDO-Lungsod Naga; DepEd SDO-Camarines Norte; DepEd SDO-Camarines Sur; Department of the Interior and Local Government; Department of Environment and Natural Resources; at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Samantala, ang mga nagkamit na ng Antas 4 sa loob ng dalawang magkasunod na taon ay pararangalan ng KWF Dangal ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko o Hall of Fame. Kabilang sa mga tatanggap ng pagkilalang ito ngayong taon ang Quirino Memorial Medical Center, Metropolitan Manila Development Authority, at DepEd SDO-Lungsod Iriga.
Magsisilbing panauhing tagapagsalita ng programa si Kinatawan Antonio L. Tinio ng ACT Party-list.
Sa ika-10 taon ng paggawad ng parangal, patuloy na hinihikayat ng KWF ang mga ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na sundin ang itinatadhana ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335. Ang paggamit ng wikang Filipino sa paglilingkod sa bayan ay isang paraan ng pagsuporta sa probisyon ng Saligang Batas ng 1987 na kumikilala sa Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.

