Taguig, itinanggi ang alegasyong sangkot sa ilegal na reclamation

Taguig, itinanggi ang alegasyong sangkot sa ilegal na reclamation

Mariing itinanggi ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang umano’y maling naratibo na iniuugnay sa isang video na ibinahagi ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng isinagawang inspeksyon ng Office of the Ombudsman, Philippine Reclamation Authority, Land Registration Authority, at Department of Public Works and Highways.

Ayon sa Taguig City Government, ipinakita sa video ang isang lugar na sinasabing may isinasagawang “illegal reclamation” at iniuugnay umano sa lungsod.

Iginiit naman ng pamahalaang lungsod na **hindi kabilang sa lupang kasalukuyang pagmamay-ari, ginagamit, o sinasakupan ng City of Taguig ang lugar na makikita sa video**.

Ayon sa lungsod, ang naturang lupain ay isang parsela na inaangkin ng ilang pribadong indibidwal at isang neighborhood association. Nilinaw din ng Taguig na wala itong inilabas na permit o awtorisasyon para sa alinman sa mga umano’y pribadong may-ari ng naturang lugar.

Hinimok ng pamahalaang lungsod ang publiko na maging maingat sa pagtanggap ng mga alegasyon at suriin ang mga ito batay sa beripikadong impormasyon, ebidensya, at aktuwal na rekord.

Binigyang-diin ng Taguig na nananatili itong nakatuon sa paglaban sa graft at corruption, habang isinusulong ang patas na proseso, integridad, at paggalang sa batas.

Ayon sa lungsod, ang paglaban sa katiwalian ay dapat nakabatay hindi lamang sa mga paratang kundi higit sa lahat sa katotohanan at mapatutunayang ebidensya.

https://gennews.net/

Follow JourNolan and subscribe https://youtube.com/@journolan5389?si=iR5WEdBA4ISTJVrj

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *